Internet Philippines.Com – About Philippines

Pinoy forum and online news directory. Providing help to Filipinos here and abroad about Philippines.

A Message to all riders regarding restriction of motorcycle lanes in EDSA by LTO

Google Advertisements

To All Motorcycle Riders: (Tagalog)

Saludo ako sa inyong mga hinihiling na pagbigyan kayong ilipat ang motorcycle lanes sa gilid ng EDSA pero kung ang pagbabasehan ay ang katotohanang nagaganap kapag kasabay ko na ang mga napakaraming riders habang nagmamaneho ako ng aking awto,,, isa lang ang masasabi ko… Napakaraming walang disiplina na nagmomotorsiklo. Data ng LTO ang makapagpapatunay nito ng walang duda.

Oo maaaring ikaw at ang iyong mga kasama ay hindi kabilang sa mga walang disiplinang riders na nakakasalamuha ko sa daan pero hindi nyo ba naisip na sana mauna ninyong disiplinahin ang inyong hanay bago kayo magreklamo upang sa gayon sabay sabay tayong maging ligtas sa daan.

Manood din kayo ng mga video ng aksidenteng involved ang mga riders at pansinin ang mga balita halos araw araw ukol sa aksidente upang masagot ang tanong kung bakit tila kayo ay pinagiinitan sa inyong palagay ng mga awtoridad…

Naway umabot tayong lahat sa punto na pare pareho tayong umaayon sa batas na sa ngayon ay kinakapa pa upang mabawasan ang mga aksidente sa lansangan.

Sa ngayon, data shows it na mas umunti ang aksidente at kung kayong mga riders ay may data rin na makapagsasabing konkreto na mas nakasama ang bagong ipinatutupad na kalakaran, mangyaring isigaw nyo ito upang marinig.

Ang aking hiling,,, matuto ang mga riders na maging patas sa daan at karapatan na lumagay sa tamang lugar kung naka stop ang lane at rumespeto sa red light. Iwasan ang walang habas na pag overtake ng wala sa lugar, walang signal at walang pakundangang parang si speedy gonzales.

Sa mahigit 1 taon kong pagmamaneho sa daan araw araw sa malapit na kalsada mula Caloocan hanggan UST… sundo at uwi ng akin anak… sa 30 riders na nakasalamuha ko sa daan…. nakalulungkot na halos bibihira kung may 1 man lang ang marunong rumespeto sa red light at umovertake ng gumagamit ng busina or signal light…. Naklulungkot pero totoo…

Tags: , ,

3 Responses to “A Message to all riders regarding restriction of motorcycle lanes in EDSA by LTO”

  • Milagros B. Gardoce says:

    Di ko lang alam kung color blind sila o wala lang talagang disiplina may blue line na nga di pa rin sila sumusunod sa linya bat kelangang mag overtake sana naman magsimula sa atin ang disiplina bago tayo magreklamo at di natin kelangan sisihin ang gobyerno disiplina lang ang solusyon.

  • dennis says:

    unahin ang mga walang disiplinang bus. hindi yung naging ningas kugon lang ang yellow bus lanes. root cause ang dapat sinusolusyonan. di naman magttraffic kung walang mga barubal na PUVs e. walang oovertake kung walang traffic. kung makikita nyo lang ang MC lane lalo sa gabi. sandamakmak na malalaking trak at taxi. gaya nga ng inamin ni atoy sta cruz (MCPF pres na sumusuporta sa MC lane), malaking sindikato raw ang nasa likod ng MC lane na yan kaya kelangan nyang suportahan kahit ayaw nya.

  • tisa says:

    English translation pls.


Google Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


BSP Exchange Rate Today: